23 na patay sa ‘killer lambanog’
CALABARZON, Philippines — Pumalo na sa 23 ang death toll matapos na anim pang katao na nalason ng methanol sa pag-inom ng lambanog ang tuluyan nang bawian ng buhay sa ospital, ayon sa isang opisyal kahapon.
Sa update, sinabi ni Calabarzon Police Spokesperson P/Colonel Chitadel Gaoiran, 12 sa mga nasawi ay mula sa Rizal, Laguna at mula sa lalawigan ng Quezon ay 6 sa Candelaria, dalawa sa Lucena City at tatlo naman sa Pagbilao.
Samantalang isa pa ang naka-confine sa Pagbilao, isa sa Candelaria habang limang pasyente na ang nakalabas sa pagamutan.
Nilinaw ni Gaoiran na mula sa dating 17 na naitalang patay ay anim pa ang nadagdag sa mga nasawi kaya naging 23 ang kabuuang patay sa methanol poisoning.
Ang mga biktima na uminom ng lambanog ay nakaranas ng matinding pagkahilo, panglalabo ng mata, panghihina, matinding pananakit ng ulo at pagsusuka at pamamanhid ng katawan.
Patuloy ang pagkumpiska ng mga lambanog sa Calabarzon dahil sa pagkamatay ng maraming residente sa Rizal, Laguna at Quezon.
- Latest