11-anyos pumalag sa rape, ginilitan!
BATANGAS, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 11-anyos na batang estudyante matapos na gilitan sa leeg ng ‘di kilalang salarin nang pumalag sa tangkang panggagahasa sa kanya sa Brgy. Bolo, Bauan, Batangas, iniulat kahapon.
Base sa report ng pulisya, nakitaan ng mga sugat sa leeg at pasa sa dibdib nang matagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng bata sa isang creek sa nasabing barangay noong Disyembre 24.
Ang batang biktima ay iniulat ng kanyang pamilya na nawawala noong Disyembre 23.
Narekober din ng mga awtoridad ang underwear ng biktima, may ilang metro ang layo mula sa nakahandusay na katawan nito sa creek.
May indikasyon na nanlaban umano ang bata sa salarin dahil sa mga tinamong mga sugat sa katawan.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente habang isinailalim na sa pagsusuri ang bangkay at natagpuang panty upang mabatid kung nagahasa ang biktima.
- Latest