^

Probinsiya

30 hepe ng pulisya sinibak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Uma­bot sa 25 na chief of police, isang force commander at 4 na hepe ng provincial branches ng Philippine National Police (PNP) sa Cagayan Valley (Region-2) ang sinibak, batay sa resulta ng isinagawang performance evaluation.

 Ayon kay Brigadier General Angelito Casimiro, regional director ng PRO2, ang mga sinibak na hepe ng pulisya ay mula sa mga bayan ng San Mariano, Jones, Cordon, Burgos, San Agustin, Quezon, Luna, Quirino, Delfin Albano, Divilacan, Sta. Maria, Aurora sa Isabela; Calamaniugan, Ballesteros, Pamplona, Baggao, Abulog, Sanchez Mira, Piat, Gattaran at Sta. Ana; sa Cagayan.

 Sinibak din ang hepe ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Cagayan, isang Intel officer at deputy S4 na nakatalaga sa Cagayan Police Provincial Office habang ang deputy chief of police sa bayan ng Kasibu at Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya ay inalis na rin sa puwesto.

 Nananatili naman na walang nagalaw sa mga opisyal ng pulisya sa lalawigan ng Quirino at Batanes.

 Ayon kay Casimiro, binigyan niya ng mahigit isang buwan ang lahat ng mga opisya­les ng PRO2 para ipakita na karapat-dapat sila sa kanilang mga puwesto subalit hindi sila nakapasa sa isinagawang performance evaluation ng pambansang pulisya dahil sa kakulangan sa kampanya sa anti-illegal drugs at anti-criminality.

 Kaugnay nito, itinanghal si Casimiro bilang “Number 1” sa Individual Commanders Evaluation Ratings na ipinalabas ng Camp Crame para sa lahat ng Police Regional Offices sa buong bansa.

Sa 17 regional police directors, nasungkit ni Casimiro ang unang puwesto na may 76.60%, ikalawa si P/BGen. Rhodel Sermonia ng PRO3 na may 75.80%; ikatlo si P/BGen. Joel Orduna ng PRO1 na may 75.62%, number 4 naman si P/BGen. Anthony Alcaneses ng PRO na may 75.43% habang si P/BGen Israel Ephraim Dickson ng Cordillera PRO ang bumuo sa top 5 na may 75.10% na grado.

ANGELITO CASIMIRO

PRO2

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with