^

Probinsiya

Pulis semplang sa ‘motorcyle training’, kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Pulis semplang sa ‘motorcyle training’, kritikal
Sa report na nakarating kay Lt. Colonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police Station, bahagi ng training si Master Sergeant Ian Jay Malana, 36-anyos, ang magpatakbo nang matulin sa pabulusok at kurbadang daan sakay ng motorsiklo bilang kasapi ng Provincial Mobile Force Company sa lalawigan ng Cagayan.
STAR/ File

CAGAYAN, Philippines— Isang pulis ang nasa kritikal na kondisyon nang magkabali-bali ang mga buto matapos sumemplang ang motorsiklong gamit sa isinagawang pagsasanay sa Brgy. Libag Sur, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa.

Sa report na nakarating kay Lt. Colonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police Station, bahagi ng training si Master Sergeant Ian Jay Malana, 36-anyos, ang magpatakbo nang matulin sa pabulusok at kurbadang daan sakay ng motorsiklo bilang kasapi ng Provincial Mobile Force Company sa lalawigan ng Cagayan.

Gayunman, nawalan sa kontrol sa handle bar ang pulis dahilan upang sumirko ito sa ere at lumagapak nang malakas sa lupa.

Hindi na nakatayo pa ang biktima na isinugod ng ambulansiya sa Cagayan Valley Medical Center kung saan siya inoobserbahan.

COLONEL GEORGE CABLARDA

TUGUEGARAO CITY POLICE STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with