Baby todas sa boga ng ama
SOUTH COTABATO, Philippines — Isang anim na buwang sanggol ang nasawi matapos aksidenteng mabaril ng kanyang senglot na ama habang kalung-kalong ng ina sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Lamlahak, sa bayan ng Lake Sebu, noong Huwebes.
Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City ang sanggol na si John Rey Uga; habang patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang tumakas na suspek na ama ng biktima na si Rudy Uga, magsasaka, 32-anyos.
Ayon sa ina na si Shagi, umuwi umanong lasing ang kanyang mister pasado alas-4:00 ng hapon nitong Huwebes. Sinabi ni Shagi na habang nanonood sila ng telebisyon kasama ang sanggol sa kapitbahay nang pauwiin umano sila ng mister. Nagulat na lamang ang misis nang makitang may hawak na baril ang kanyang mister.
Nakatutok umano ang baril ng mister sa lupa, ngunit sa kasamaang palad ay nakalabit nito ang gatilyo at tinamaan ng bala ng baril sa paa ang kanilang sanggol na noon ay kalung-kalong ng ina.
Agad namang humingi ng saklolo ang ina kung saan isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot
- Latest