Bulkang Taal patuloy na minomonitor
BATANGAS , Philippines — Patuloy na minomonitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Taal Volcano matapos na makaramdam ng mga pagyanig sa paligid nito.
Base sa advisory na inilabas kahapon ng Phivolcs, simula ng itinaas ang alert level noong Marso ay nakapagtala na sila ng 4,857 volcanic earthquakes.
Ang mga pagyanig ay naramdaman sa mga barangay ng Bayaga sa Agoncillo, Brgy. Caluit sa Balete, Sito Tibag sa Brgy. Pira-piraso, Sito Tuuran ng Brgy. Table, Brgy. Buko sa Talisay, Brgy. Alas-as sa San Nicolas at Brgy. Pulangbato sa San Nicolas. Ang mga pagyanig ay naitala mula intensity 1 hanggang intensity III.
Ang mga pagyanig umano ay may kasabay na “rumbling sound” simula nong Nobyembre 21 hanggang 29.
Nananatili pa rin sa alert level 1 ang bulkan kaya nangangahulugan ito na wala pang banta ng pagsabog bagaman mayroong posibilidad na mayroong magnatic disturbance sa ilalim ng bulkan.
- Latest