^

Probinsiya

Nabaril na brodkaster patay na

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Nabaril na brodkaster patay na
Matatandaan na si Caballero ay binaril ha­bang naghihintay ng ma­sasakyan sa tapat ng kanilang inuupa­hang boarding house sa Tacurong City noong Oktubre 30 at nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ng baril sa dibdib.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Isang buwan matapos mabaril, pumanaw na ang mamamaha­yag na si Abdul Kadir “Benjie” Caballero sa ospital.

Matatandaan na si Caballero ay binaril ha­bang naghihintay ng ma­sasakyan sa tapat ng kanilang inuupa­hang boarding house sa Tacurong City noong Oktubre 30 at nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Kaagad inoperahan sa ospital ang biktima subalit nanatiling nasa kritikal na kondisyon hanggang sa bawian ito ng buhay kamakalawa ng gabi.

Si Caballero ay station manager ng Radyo Ni Juan sa Tacurong City, Sultan Kudarat at miyembro ng National Union of Journalists of the Philipines (NUJP) Kidapawan chapter.

Nilinaw naman ng ka­patid ng biktima na si Gladys Caballero na ang ikinamatay ng kapatid ay hindi dahil sa tama ng bala ng baril kundi dahil sa pneumonia.

ABDUL KADIR “BENJIE” CABALLERO

BROADKASTER

RADYO NI JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with