^

Probinsiya

Kotse sinuwag ng tren: Bebot todas, isa sugatan

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kotse sinuwag ng tren: Bebot todas, isa sugatan
Kinilala ni Lt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police, ang nasawing biktima na si Mary Jane Valenzuela, 21 anyos, na dead on arrival sa ospital, at si Joel Pablo, 28 taong gulang, na naka-confined pa rin.
The STAR/File

LAGUNA, Philippines — Patay ang isang babae habang sugatan naman ang kanyang kasama matapos na mabangga at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang kotse nilang sinasakyan kamakalawa ng gabi sa Biñan, Laguna

Kinilala ni Lt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police, ang nasawing biktima na si Mary Jane Valenzuela, 21 anyos, na dead on arrival sa ospital,  at si Joel Pablo, 28 taong gulang, na naka-confined pa rin.

Lumalabas sa im­bestigasyon na patawid ang mga biktima sakay ng kanilang Toyota Altis  sa Halang crossing ng PNR nang mabangga ng tren ang kanilang kotse.

Ayon kay Mendoza, posibleng hindi napansin ng driver na si Pablo ang paparating na tren dahil nag-uusap sila ni Valenzuela kaya nabangga sila.

Mayroon naman umanong cross keeper na naka-duty sa Halang crossing nang maganap ang insidente su­balit pinilit pa rin tawirin ng sasakyan kaya na­bangga.

Inabot ng pitong oras bago maalis sa sasak­yan ang katawan nina Valenzuela.

Samantala, nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries  ang mga driver ng tren na sina Ryan Arias at Jay Constantino.

DEAD ON ARRIVAL

KOTSE

MARY JANE VALENZUELA

PNR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with