^

Probinsiya

Militar nagsagawa ng ritwal para sa NPA

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Militar nagsagawa ng ritwal para sa NPA
Suot ang kanilang mga bahag, nag-alay ng native na baboy at manok ang tropa ng 54th Infantry Battalion sa tulong ng mga Mumbaki na humihingi ng kapayapaan at pagbabalik-loob ng mga rebeldeng NPA sa gobyerno sa pamamagitan ng isang ritwal sa Tiger Hill, Kiangan, Ifugao nitong Biyernes.
Victor Martin

KIANGAN, Ifugao, Philippines — Nagsagawa ng isang ritwal ang mga sundalo ng Cordillera kasama ang ilang Mumbaki (Pagan priest) para sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Tiger Hill, Kiangan, Ifugao nitong Biyernes.

Sa isinagawang ritwal ng mga tropa ng 54th Infantry Battalion (54IB) kasabay ng 34th foun­ding anniversary celebration ng Magilas Troo­pers na nakabase sa ba­yang ito, hiniling ng mga Mumbaki kay Makno­ngan (God) ang mapa­yapa sanang pagsuko ng mga rebeldeng grupo na kumikilos sa mga kabundukan ng Ifugao, Mountain Province, Benguet at ilang bahagi ng Nueva Vizcaya sa nasasakupan ng 54IB para tuluyan nang makamtan ang kapayapaan at maiwasan ang pagbubuwis ng buhay sa pagitan ng dalawang pangkat.

Hiniling din sa nasabing ritwal ang kaligtasan ng mahigit sa 200 na rebelde at kanilang mga tagasuporta na unang sumuko sa pamahalaan sa nasasakupan ng 54ID kung saan 28 sa kanila ang personal na tumanggap ng tseke sa nasabing pagdiriwang bilang tulong pinansyal mula sa pamahalaan sa ilalim ng “e-clip program”.

Ayon kay M/Gen. Pablo Lorenzo, commanding general ng 5th Infantry Division na nakabase sa Gamu, Isabela na may sakop sa 54-IB, ang sunud-sunod na pagsuko ng mga rebeldeng NPA at kanilang supporters ay dahil sa sinserong prog­rama ng pamahalaan. Aniya, may natitira pang 200 rebelde na kanilang target na magbalik-loob sa gobyerno na karamihan sa kanila ay nasa Isabela, Cagayan at Benguet.

Sinabi naman ni Lt./Col. Narciso Nabulneg, commanding officer ng 54-IB na patuloy nilang tutulungan ang mga rebeldeng sumuko katuwang ang iba’t ibang programa ng pamahalaan. Aniya, may mga rebel returnees na posibleng maging miyembro ng Philippine Army matapos makita na kwalipikado na maging sundalo habang ang iba ay nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

MUMBAKI

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with