^

Probinsiya

Tidal wave nanalasa: 76 bahay, 58 bangka nasira

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tidal wave nanalasa: 76 bahay, 58 bangka nasira
Sinabi ni Albert Dimaano ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nasa 10-12 barangay ang naapektuhan ng 5 metrong taas na tidal waves o higanteng alon.
Joe Raedle/Getty Images/AFP

MANILA, Philippines — Nasa 76 kabahayan at 58 bangka ang nasira matapos na manalasa ang 5-metrong tidal wave sa tabing aplaya ng isang komunidad sa Paluan, Occidental Mindoro, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni Albert Dimaano ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nasa 10-12 barangay ang naapektuhan ng  5 metrong taas na tidal waves o higanteng alon.

Kabilang sa mga naapektuhang barangay ay ang Harrison Uno, Dos, Cuatro, Cinco, Sais, Lumang Bayan, Marikit, Tubili at Alibayoy; pawang mga coastal villages ng Paluan.

 Mula sa nasabing bilang ng kabahayan, 26 dito ang wasak na wasak habang  nasa 58 bangka rin ang napinsala nang humampas ang mga dambuhalang alon.

Ayon naman kay Paluan Mayor Carl Pa­ngilinan, nagulantang na lamang ang mga residente sa tabing dagat sa paghampas ng higanteng alon sa kanilang mga kabahayan.

Aabot naman sa 11,962 ang naapek­tuhan ng masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Quiel kung saan 620 katao ang inilikas sa kanilang mga kabahayan na pansamantalang nanuluyan sa eskuwelahan at mga Brgy. Halls sa bayan ng Paluan.

Samantala, bunga ng insidente ay tinatalakay na sa konseho ng pamahalaang bayan ng Paluan ang pagdedeklara ng state of calamity. Namahagi na rin ng relief goods ang pamahalaang lokal sa mga naapektuhang pamilya.

Ang tidal wave ay sanhi ng tropical depression Quiel na nagdulot ng malalakas na pag-ulan partikular na sa Northern Luzon habang naging masungit din ang karagatan sa ilang bahagi ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).

WAVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with