^

Probinsiya

Magsasaka dinukot bago pinatay

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines —Isang 63-anyos na magsasaka ang dinukot bago pinatay ng apat na ‘di pa natutukoy na mga suspek sa bayan ng San Pablo ng lalawigang ito, kamakalawa ng gabi.  Kinilala ng San Pablo PNP ang biktima na si Nehemias Beran, residente ng Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela.  Ayon sa pulisya, dakong alas-9:50 ng gabi nang magtungo sa kanilang himpilan si Nichelle Pavon, anak ng biktima at residente rin sa nasabing lugar para ipagbigay-alam sa mga otoridad ang pagdukot ng apat na kalalakihan na nakasuot ng bonet sa kanyang ama habang nagpapahinga sa loob ng kanilang tahanan.Matapos umanong dukutin ang biktima ay isinakay ito sa isang puting van ng mga hindi nakilalang mga suspek.

Ayon pa sa San Pablo PNP, dakong alas 10:45 naman nang makatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa isang bangkay ng lalaki na natagpuan sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay. Isang basyo ng bala ng M16 ang natagpuan sa lugar. Agad nakumpirma ang natagpuang bangkay na si Nehemias. Inaalam pa ng pulisya ang katauhan ng mga suspek at ang motibo sa pagdukot at pagpatay.

vuukle comment

DUKOT

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with