^

Probinsiya

Cabugao ex-mayor pinaaaresto ng korte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Panibagong warrant of arrest ang ini­labas ng Sanchez-Mira, Cagayan Regional Trial Court Branch 12 laban kay dating Cabugao, Ilocos Sur Mayor Josh Edward Cobangbang.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Judge Gemma Bucayu-Madrid laban kay Cobangbang dahil sa kasong serious illegal detention na walang kaukulang piyansa at grave coercion.

Bukod sa dating alkalde, pinapaaresto rin ang 19 pang indibiduwal na sina Raquel Ancheta; Constancia Quinola; Gio Serna aka Austin Giorgio Serna; Engr. Cresencio Marcos Formoso; Engr. Conrado Segui; Rexor Moises Abara; Richard Pula; Renato Roman; Elmer Ramos; Jessar Rei Cruz; Ronillo Santiago; Kevin Somera; Arvin Jay Manauis; Benny Agbayani, Jr.; Katrina Soriano aka Cara; Humphrey Jesus Catriz; Jerlie Oda Flores aka Gerly; Ednalyn Silario; at Alvin Solis.

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pagpigil kay Virginia Ong, isang resort operator at sa kanyang 4-taong gulang na anak at mga empleyado ng Cabugao Beach Resort na ipinasara base na rin umano sa utos ng dating alkalde.

Nauna na ring nag-isyu ng arrest warrant si Judge Raphiel Alzate ng RTC Branch 24 ng Cabugao, Ilocos Sur, noong Pebrero 18, 2019 subalit binawi ito dahil sa kawalan umano ng hurisdiksyon.

Ang kaso ay inihain din ni Ong noong 2017 subalit kinatigan ng DOJ ang kanyang petition for review  noong Abril 23, 2018 at ibinasura ang resolution ng Provincial Prosecutors Office na nagbabasura sa kaso dahil sa kawalan ng probable cause.

CABUGAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with