^

Probinsiya

Manager ng coop itinumba!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Manager ng coop itinumba!
Kinilala ang biktima na si Segundino “Yoyoy” Trocio Comonsad, 46-anyos, may asawa at isang administrative manager ng United Laborer’s Multi-purpose Cooperative (ULMPC) at residente ng P-6C, Brgy. Poblacion, nasabing bayan.
File

MANILA,Philippines — Patay ang isang manager ng kooperatiba makaraang pagbabarilin ng ‘di pa nakikila­lang gunman sa Purok 6A, Barangay Poblacion, New Corella, Davao del Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Segundino “Yoyoy” Trocio Comonsad, 46-anyos, may asawa at isang administrative manager ng United Laborer’s Multi-purpose Cooperative (ULMPC) at residente ng P-6C, Brgy. Poblacion, nasabing bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, sakay ng kanyang kulay itim na motorsiklo (1637 YT) ang biktima at binabagtas ang daan papunta sa kanyang trabaho sa Brgy. San Roque subalit pagdating nito sa nasabing lugar ay pinagbabaril siya ng isang ‘di kilalang suspek dakong alas-6:00 ng umaga.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pasimple lamang na nag­lakad ang suspek patakas patungo sa ‘di malamang direksiyon. Naisugod pa ang biktima sa Davao Regional Medical Center pero ‘di na umabot pang buhay.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre .45 pistol at ang motorsiklo ng biktima. 

vuukle comment

MANAGER

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with