^

Probinsiya

Namuhunan kaya magbayad

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — HINDI biro ang threat ng groups of private hospitals sa Philippines my Philippines regarding sa pagbawi ng kanilang accreditation sa PhilHealth tungkol sa isyu ng mahigit sa P2 billion na hindi pagbabayad sa kanila.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ang problema dito, oras na nagbingi-bingihan ang go­vernment of the Philippines my Philippines tungkol sa reklamo ng grupo, tiyak ang mga pasyente ang mapeperwisyo dito dahil sila ang nangangailangan ng medical attention.

Ano sa palagay ninyo?

Tumpak ka dyan, Kamote!

Dahil totoo ang sinasabi mo lalo na sa mga pasyenteng pobreng alindahaw.

Sabi nga, kawawa sila!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi dapat palalain ang problemang ito sa pagitan ng Philippine Association of Private Hospitals Inc., at ng Philhealth sa ginagawa nilang mga medical services para sa madlang people na may mga sakit.

Ano sa palagay ninyo?

Sabi ng mga assest ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat may umaktong magre-referee sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang grupo para hindi naman malagay sa balag ng alanganin ang mga pasyenteng umaasa sa Philhealth.

Tama!

Sino ang gigitna?

Siguro mas mainam si Boss Digong dahil ito ang ‘Daddy’ ng sambayanang Pinoy!

Tumpak ka dyan, Kamote.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na si Boss Digong ang gumitna sa usapan tiyak magsusuntukan este mali magkakaliwanagan ang dalawang ito.

Ano sa palagay ninyo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  hindi magkasundo ang dalawang ito dahil ang PAPHI ay nagsabing kakalas sila sa Philhealth oras na hindi sila mababayaran ng huli sa mga serbisyong ginawa nila sa madlang pasyente nila.

Sa punto ng Philhealth, kailangan kasing mahimay na mabuti ang singilin ng mga ito at mag-doble ingat rin sa pagbabayad baka kasi magkaroon ng pekeng claims?

Tama rin naman!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, huwag na kasi nilang patagalin ang paghimay dahil negosyo ang pinag-uusapan dito at nangapital o namuhunan din naman ang mga private hospitals sa mga pasyenteng nagpagamot sa kanila.

Ano sa palagay ninyo?

Sabi nga, BAYAD NA!

Abangan.

PRIVATE HOSPITALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with