^

Probinsiya

Turista pinatay ng adik sa resort

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Turista pinatay ng adik sa resort
Kinilala ni Nasugbu chief of police Major Ronald Cayago ang biktimang si Junnel Mar Alano, residente ng Taguig City.
Noel Celis

BATANGAS , Philippines — Patay ang 35-anyos na lokal na turista matapos pagbabarilin ng isang lalaking bangag sa droga at may kasong pagpatay, sa loob ng tinutuluyan nitong resort sa Nasugbu, lalawigang ito, Martes ng hapon. 

Kinilala ni Nasugbu chief of police Major Ronald Cayago ang biktimang si Junnel Mar Alano, residente ng Taguig City.  

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Dennis Esmeralda, 31-anyos, isang negos­yante at residente ng Biñan City, Laguna.  

Ayon sa report, nagpapahinga lang si Alano sa may gilid ng dagat sa Munting Buhangin Beach Camp sakop ng Brgy. Natipuan nang lapitan at pagbabarilin ng suspek. Dead-on-the-spot si Alano dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan. 

Agad namang na­a­resto si Esmeralda sa tulong na rin ng mga lifeguards, maintenance crew at security guards ng Terrazas de Punta Fuego. 

Sa imbestigasyon, napag-alaman na lango sa ipinagbabawal na droga ang suspek na tatlong araw na umanong hindi natutulog batay sa pahayag ng kanyang nobya na ‘di tinukoy ang pangalan. 

Ayon sa nobya, nag­papahinga lang aniya sila sa loob ng kanilang kuwarto nang bigla na lang lumabas ang kasintahan sa ‘di pa malamang dahilan at pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa rekord ng National Bureau of Investigation (NBI), si Esmeralda ay may naka­binbing warrant of arrest sa kasong murder sa RTC Branch 256 ng Muntinlupa City.

RESORT

TURISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with