^

Probinsiya

Public safety officer utas sa pamamaril

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Public safety officer utas sa pamamaril
Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Joven Bujaue, kasapi ng Public Safety Office ng munisipyo ng Aroroy at residente ng Brgy. Sta Cruz, Palanas habang nagpapagaling ang sugatang si Erlindo Kipte Jr.
File

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang public safety officer habang sugatan ang kanyang kasama matapos silang pagbabarilin ng tatlong gunmen sa Pier Site, Brgy. Poblacion sa Dimasalang, Masbate kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan    ang biktimang si Joven Bujaue, kasapi ng Public Safety Office ng munisipyo ng Aroroy at residente ng Brgy. Sta Cruz, Palanas habang nagpapagaling ang sugatang si Erlindo Kipte Jr.

Sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi, magkasamang dumating ang mga biktima lulan ng motorsiklo sa may pantalan.

Gayunman, habang pina-parking ang motorsiklo ay biglang sumulpot ang tatlong suspek at pinagbabaril ang mga biktima na mabilis tumakas sa lugar. Agad isinugod sa Dimasalang Rural Health Unit ang mga biktima pero idineklarang patay si Bujaue. Nakuha sa lugar ng pamamaril ang pitong basyo ng kalibre .45.

PAMAMARIL

PATAY

PUBLIC SAFETY OFFICER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with