^

Probinsiya

11-anyos sinakmal ng buwaya, sinagip ng ate

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 11-anyos na batang lala­ki ang nasugatan at nailigtas ng kanyang menor-de-edad ding kapatid na babae makaraan silang atakihin ng mabangis na buwaya habang lulan ng bangka malapit sa kanilang “seaweed farm” sa bahagi ng karagatan sa Sitio Tagpanasan, Brgy. Salang, Balabac, Palawan kamakalawa.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Socrates Faltado ang biktima na itinago sa pangalang Akirin, residente ng nasabing lugar na nasugatan sa kanang braso mula sa kagat ng pangil ng buwaya.

Sa ulat, dakong-5:30 ng hapon, kasalukuyang lulan ng bangka ang bata kasama ang kanyang 16-anyos na kapatid na babae nang biglang umatake ang buwaya at nilundag ang biktima sa bangka. Agad nasakmal ng buwaya sa braso ang biktima na mabuti na lamang at hindi tuluyang nahila sa ilalim ng dagat matapos namang lakas loob na mapalo ng kapatid nitong babae ng sagwan.

Isinugod sa pagamutan ang bata para malapatan ng lunas.

Magugunita na hindi lamang ito ang iisang pagkakataon na may mga batang biktima na nakagat ng buwaya sa lalawigan.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng opisyal ang mga namamangka na maging vigilante upang hindi mabiktima ng mabalasik na buwaya.

BUWAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with