^

Probinsiya

2,000 katao nagmartsa vs ex-mayor Baldo

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa dalawang libong katao ang nagmartsa kamakalawa mula sa sentro ng lungsod hanggang sa harap ng Regional Trial Court sa ginawang march-prayer rally kaugnay sa pagpayag ng korte na makapag-piyansa si dating Mayor Carlwyn Baldo na itinuturong utak sa pamamaslang kay dating Ako Bicol Party-list Cong. Rodel Batocabe, police bodyguard nito na si SPO2 Orlando Diaz at sa pagkakasugat ng anim na iba pa noong Disyembre 22, 2018 sa Brgy. Burgos sa bayan ng Daraga.

Sinimulan ang programa dakong alas-8 ng umaga na tumagal ng halos dalawang oras na dinaluhan ng mga supporters mula sa grupo ng mga senior citizens, barangay health workers, mga estudyante at mga residente mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan na natulungan noon ni Batocabe kung saan nagsindi sila ng mga kandila, nanalangin at nagprotesta sa harap ng RTC Building.

Isa sa mga nagsalita ay si Amy Duran, ang biyenan ni Batocabe na binatikos at kinuwestyon ang naging desisyon ni RTC Branch 10 Judge Maria Theresa San Juan Loquillano nang payagan nito na makapaghain ng piyansa si Baldo sa kabila ng matibay na mga ebidensya at testimonya laban sa dating alkalde.

Kahapon sinabi ng pamil­ya Batocabe na hindi pa tapos ang laban at tuloy ang kaso laban kay Baldo para makamit nila ang hustisya.

Si Baldo ay magpipiyansa sana umano ng P12 milyon sa nasabing mga kaso kapalit ng pansamantala nitong kalayaan pero kinontra ng prosekusyon na naghain ng motion for reconsideration.

CARLWYN BALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with