^

Probinsiya

2 dalagita pisak sa trak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines –Dalawang dalagita ang napisak habang suga­tan ang isa pa matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang nakahimpil na van saka sila nagulungan ng paparating na truck sa kahabaan ng national highway sa Bambang, Nueva Vizcaya, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Bambang Police ang mga nasawi na sina Joanna Rose Sagun, 13, at Jamaica Adelia Hadjomar, 14, pawang ng Brgy. Aliaga, Bambang habang kritikal sa ospital ang kanilang kasamang si Edgar Fragata, 21, ng Nagtipunan, Quirino.

Ayon kay P/Capt. Julia Mejia, officer-in-charge ng Bambang Police, nag-overtake umano ang motorsiklo na minamaneho ni Fragata at angkas ang dalawang dalagita sa kanang bahagi ng highway sa Brgy. Almaguer North sanhi para sumalpok sila sa isang nakaparadang van dakong ala-1:00 ng madaling araw. Dahil dito, tumilapon ang mga biktima sa gitna ng kalsada at eksakto namang paparating ang rumaragasang trak kaya sila nasagasaan.

Durog ang mga biktima habang tumakas ang trak na minamaneho ng ‘di kilalang driver.

Sa teyorya ng pulisya, isang malaking trak ang sumagasa sa mga biktima matapos magkalasug-lasog at humiwalay pa ang ilang parte ng kanilang katawan na nagkalat sa kalsada. 

 

vuukle comment

TRAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with