341 katao inilikas sa malakas na alon
MANILA, Philippines — Abot sa 112 na pamilya o katumbas sa 341 na indibidwal ang inilikas matapos na tumaas ang alon sa dalampasigan na sakop ng Barangay 22-C at 23-C sa Davao City, kahapon ng umaga.
Nasa 50 na kabahayan naman ang nasira dahil sa nasabing insidente kung saan pansa-mantalang nanunuluyan ang mga nagsilikas sa barangay gymnasium at barangay hall, kapilya at iba pang mga government facilities.
Ayon kay Jeffry Tupas ng Davao City Information Office, puwersahang pinalikas ang mga residente mula sa nasabing barangay dahil sa posible pang pagtaas ng alon sa lugar.
Kabilang din sa mga apektadong lugar ay ang Barangay 21-C, Bago Aplaya, Bucana, Daliao, Duterte at Matina Aplaya. Magpapaabot na rin ng tulong ang pamahalaang lokal sa mga residenteng naapektuhan ng flashfloods.
- Latest