^

Probinsiya

South Korea umayuda sa mga magsasaka

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
South Korea umayuda sa mga magsasaka
Pinangunahan nina South Korean Minister Counselor Kim Sun Young (ikalawa mula kanan) at Quirino Gov. Dakila “Dax” Cua (kaliwa) ang ground breaking ceremony ng itatayong Q-Life Center Building na popondohan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) sa ilalim ng kanilang comprehensive rural development project sa Capitol Hills, Cabaroguis, Quirino nitong Martes. Kasama sa larawan sina Dr. Seonggu Hwang, project manager ng Quirino Integrated Agricultural Dev’t Project (QIADP) at Country Director Sang Bak Lee.
Victor Martin

CABAROGUIS, Quirino  , Philippines  —   Muling nagbigay ang South Korea ng halagang $.79 milyon para sa proyekto ng mga magsasaka ng Quirino kamakalawa. 

Ang nasabing halaga ay karagdagan umano sa Phase I project ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) para sa itinatag na Quirino Integrated Agricultural Development Project (QIADP), isang comprehensive rural development project na ang layunin ay mahango sa kahirapan ang mga magsasaka at maparami ang kanilang agricultural production kabilang na ang pagkakaroon ng iba pang community livelihood sa lalawigan ng Quirino.

Sa isinagawang groundbreaking ng itatayong livelihood center sa Capitol Hills in Cabaroguis, Quirino kamakalawa, personal na ipinagkaloob ni South Korean Minister Counselor Kim Sun Young kay Quirino Governor Dakila “Dax” Cua ang inisyal na $797,900.00 o mahigit sa P40 milyon bilang bahagi ng $9.5 million na tulong ng Korea sa mga magsasaka ng Quirino.

Ayon kay Young, nakita ng Korea ang maayos na pagpapatupad sa mga proyekto ng QIADP Phase I na una nilang isinagawa noong 2014-2017 kung kaya’t muli nilang dinagdagan ang dating $5 million at ginawang $9.5 million para sa Phase II.

Maliban sa nasabing halaga, namahagi rin ang Korea ng 4 na farm vehicles, isang dump truck, 1 pick-up truck, 1 tractor at sari-saring farm machinery para sa mga farmer-beneficiaries.

FARMERS

KOREA INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY

MAGSASAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with