^

Probinsiya

CVO lumutang sa ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuan ang bangkay na lumulutang sa ilog ang isang miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) makaraan itong aksidenteng malunod sa Brgy. Banog Norte, Bani, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Ricky Galzote Jr., 36-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang tinatangay ng malakas na agos sa Banog Norte River.

Ang bangkay ay nadiskubre ng dalawang residente na sina Violeta Taganap, 69-anyos at Laurito Taganap, 71, isang magsasaka matapos na mapagawi sila sa nasabing lugar. 

Ang biktima ay huling nakitang buhay noong Hulyo 17  ng alas-7 ng gabi  habang sakay ng balsa pauwi sa kanilang tahanan. Gayunman, nabigong makauwi at ilang araw ding pinaghahanap ng kanyang pamilya.

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with