^

Probinsiya

Truck bumaliktad: 10 pupils, guro patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Truck bumaliktad: 10 pupils, guro patay
Nasa larawan ang dump truck na tumagilid matapos itong ibangga ng driver sa gilid ng bundok upang hindi tuluyang mahulog sa bangin matapos mawalan umano ng preno na kumitil sa buhay ng 10 mag-aaral at isang guro at ikinasugat ng nasa 16 pang iba, kahapon ng umaga sa bayan ng Boljoon, Cebu.

MANILA, Philippines — Patay ang 10 ele­mentary pupils at isang guro habang 16 ang sugatan matapos buma­liktad ang ka­nilang si­nasakyang truck makaraang ibangga ito ng driver sa gilid ng bundok upang hindi tuluyang mahulog sa bangin habang patungo sa dadaluhang sports activity naganap sa bayan ng Boljoon, Cebu kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi na mula sa Nangka Ele­mentary School ay sina sina Jerome Nierre, 11; Mary Ann Filipino, 12; Janna Delos Santos, 12; Clint Isidore Dugang, 10; Jefferson Jorpo, 11; Alexander Villa-nueva, 20; Mark Lloyd Mosqueda, 12; at Riza Mae Viñan, 10; pawang mga nasa edad 10 hanggang 12; gurong si Victoria Gorozonm, 40. Ang walong estud-yante at kanilang guro ay pawang dead-on-the-spot sa insidente habang idineklara namang dead-on-arrival sa pagamutan ang dalawang iba pang mag-aaral na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Patuloy namang ni­la­lapatan ng lunas sa pa­gamutan ang 16 na nasugatan sa aksidente.

Sa ulat, sinabi ni Cebu Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Rhode-rick Mariano, dakong alas-7:00 ng umaga, papunta sana sa isang sports activity ng Department of Education (DepEd) sa Brgy. Poblacion ang mga biktima sakay ng Foton dump truck (SKV-242) na minamaneho ni Danilo Niere, nasa hustong gulang, nang pababa na ang truck buhat sa matarik na bahagi ng highway sa Brgy. Upper Becerril, Boljoon ay bigla uma­nong mawalan ito ng preno dahilan upang bumulusok ito pababa.

Sinikap ng driver na kontrolin ang manibela at upang hindi mahulog sa bangin na nasa gilid ng highway ay minabuti nitong ibangga ang trak sa gilid ng bundok bunsod upang tumagilid ang truck na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

Samantalang nahirapan naman ang rescue team sa pagsaklolo sa mga biktima dahil sa kakulangan ng ambulansya sa lugar.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries, at damage to property ang driver ng truck habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa natu-rang trahedya.

ROAD ACCIDENT

TRUCK ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with