2 motor nagsalpukan: Principal, 1 pa dedo
SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Isang school principal at isang magsasaka ang kapwa nasawi matapos na magsalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Inaban, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jeoffry Arttienda, 49, principal ng Bulala Elementary School na nakabase sa Dupax del Norte at residente ng Bernabe Village, Brgy. Almaguer, Bambang, Nueva Vizcaya at Rodolfo Ancheta, 54, ng Riverside East, Mabasa Dupax del Norte, nasabing lalawigan.
Sa ulat ng Dupax del Norte Police, umagaw umano sa linya ng kalsada ang minamanehong TMX (BV7710) ni Ancheta na mabilis ang patakbo na naging dahilan para salpukin ang kasalubong na Yamaha Sniper (AU41245) ni Artienda, dakong alas-5:30 ng hapon.
Agad na isinugod sa pagamutan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo subalit kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.
- Latest