^

Probinsiya

P1.7-B utang sa Maguindanao naungkat

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines  —  Nabunyag ang aabot sa P1.7 bilyong utang ng dating administrasyon sa lalawigan ng Maguindanao sa isinagawang kauna-unahang “State of the Province Address” at pagbubukas ng 19th Sangguniang Panlalawigan Session sa Old Provincial Gymnasium sa bayan ng Shariff Aguak sa lalawigan ng Maguindanao nitong Lunes. 

Ayon kay Maguindanao Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu,  ang kauna unahang babae na naihalal sa lalawigan na hanggang sa ngayon ay wala pang naituturn-over sa kanila na mga bank records at financial report mula sa dating administrasiyon ni ex-Gov. Toto Mangudadatu. 

Nauna nang binisita ni Gov. Mariam ang finance department ng probinsya para tingnan kung saan ang mga bank records pero wala umanong maipakita sa kanya. Kinuwestiyon din nito ang mga loan agreements ng dating administrasyon para sa mga proyekto gaya ng P500-M seedlings, P342 milyong provincial capitol, P200 milyong heavy equipment at iba pa.

Sa ngayon aniya, may utang ang probinsya na nagkakahalaga ng P1.7 bilyon.

Ayon kay Gov. Mariam, sa kanyang pag-upo, iba­balik nito sa Sharrif Aguak ang sentro ng probinsya base na rin aniya sa batas. Ang kasalukuyang tinatayong provinciall hall sa Buluan ay gagawin nalang aniyang district hospital.

BAI MARIAM SANGKI MANGUDADATU

STATE OF THE PROVINCE ADDRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with