^

Probinsiya

P5.3-M cocaine nalambat sa dagat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
P5.3-M cocaine nalambat sa dagat
Dakong alas-2:00 ng hapon, ang hindi pinanga­lanang mangingisda ay nasa karagatang sakop ng Boc­lod nang makita niya ang palutang-lutang na isang malaking plastic sachet na may lamang isang bloke na nababalot ng kulay brown na packing tape.

Legazpi City, Albay, Philippines — Isa na namang bloke ng cocaine na aabot sa halagang 5.3 milyong piso ang nalambat ng isang mangi­ngisda sa karagatang sakop ng Brgy. Boclod, San Jose sa lalawigan ng Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Dakong alas-2:00 ng hapon, ang hindi pinanga­lanang mangingisda ay nasa karagatang sakop ng Boc­lod nang makita niya ang palutang-lutang na isang malaking plastic sachet na may lamang isang bloke na nababalot ng kulay brown na packing tape.

Agad kinuha ito at nagdudang droga gaya ng naunang mga nalambat ng kapwa mga mangingisda sa karagatang sakop ng Bicol.

Ibinigay ito kay Brgy. Chairman Marcelino Paa Jr. na siyang nag-turn-over naman sa San Jose Police.

Matapos isalang sa laboratory test ng Regional Crime Lab ng Camp Gen.Simeon Ola sa Legazpi City, lumabas na positibo ito sa cocaine na tumitimbang ng 1,011.65 gramo o mahigit isang kilo na nagkakahalaga ng 5.3 milyong piso.

FLOATING COCAINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with