^

Probinsiya

Dalagitang tulak, 5 pa tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Dalagitang tulak, 5 pa tiklo
Ang dalagita ang ginagamit ng mga kasama nito na humarap at makipag-usap sa kanilang buyer upang iwas huli dahil menor de edad lang ito.

Cavite  , Philippines  —  Nadakip ang isang 16 anyos na dalagita at lima pang pawang mga tulak sa isang drug bust operation ng Gen. Trias Police sa pangunguna ni P/Lt. Col Paul Tangan Bometivo  kamakalawa ng gabi sa Brgy. Vibora, General  Trias, Cavite. 

Kinilala ang mga suspek na sina  alias Bea,  16,  Charlemagne Bautista, @Kayog, 30, nasa IR list ng pulisya kapwa residente ng  Brgy. Vibora ng lunsod na ito; Rowell Dula @Jocker, 35, tricycle driver;  Warren Villete, 34, construction worker; Bernard Jaime, 37, vendor, pawang mga residente ng Barangay Salitran Dasmariñas City; at Jayson Yasis, 33, driver, residente ng Silang Cavite. 

Ang dalagita ang ginagamit ng mga kasama nito na humarap at makipag-usap sa kanilang buyer upang iwas huli dahil menor de edad lang ito. 

Nakuha sa nga ito ang may mahigit kumulang 5 gramo ng shabu na aabot sa halagang mahigit kumulang sa P50,000.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with