^

Probinsiya

Mayor tiklo sa armas at droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mayor tiklo sa armas at droga
Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-CIDG Director Police Major Gen. Amador Corpus, kinilala ang inaresto na si Lingig Mayor Roberto Luna Jr.

Nasa drug list ni Digong

MANILA, Philippines — Arestado ng mga otoridad ang isang incumbent mayor na nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos makumpiskahan ng droga at lumabag sa Comelec gun ban sa isinagawang raid sa tahanan nito sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-CIDG Director Police Major Gen. Amador Corpus, kinilala ang inaresto na si Lingig Mayor Roberto Luna Jr.

Nabatid naman na ang nasabing alkalde ay kabilang sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa report ni Police Lt. Col. Cholijun Caduyac, Chief ng CIDG Region 13, bandang alas-3:20 ng madaling araw nang masakote ng kanyang mga tauhan si Mayor Luna.

Ang raid ay base sa inisyung search warrant ni Judge Catalina Shineta Tare-Palacio ng Regional Trial Court Branch 41 hinggil sa pag-iingat ng alkalde ng mga loose firearms o baril na walang lisensiya.

Nasamsam sa operas­yon ang isang cal .45 pistol, isang bala ng cal .45 pistol, isang KG 9 magazine, pitong bala ng cal 9 MM, isang rifle grenade, siyam na piraso ng pinatu-yong dahon ng marijuana at P2-milyong cash na umano’y gagami­tin sa pamimili ng boto kasama ang mga sample ballot na may marking ng isang partylist.

Nahaharap na ngayon sa patong-patong na kaso ang naturang alkal­de. 

NARCO POLITICIANS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with