^

Probinsiya

Chairman, 1 pa dedo sa pamamaril

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang kapitan ng barangay at kasama nito na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) habang sugatan ang dalawa pang katao matapos pagbabarilin ng nag-iisang salarin habang nasa labas ng isang establisyimento sa Brgy. Poblacin, Tacurong City, Sultan Kudarat, kahapon ng tanghali.

Ang mga nasawing biktima ay sina Brgy. Lilit Chairman Abdul Daud Kines, 44-anyos; at BPAT member na si Kahir Tankilisan Kasiba.

Sugatan naman sa natu­rang pamamaril ang anak ng punong barangay na isang guro na si Riannie Guiwan Daud, 21-anyos at si Abdulrakman Daud Solaiman, 22, landguard sa isang plantas­yon, pawang mga residente ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Tacurong Police, dakong alas-11:40 ng tanghali kahapon habang nasa labas ng Wayuk outdoor and indoor adventure center sa Quirino Mercado Ave. sa nasabing lugar ang mga biktima nang bigla umanong sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagababaril ang mga ito.

Naisugod pa sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang patay ang punong barangay at ang BPAT member habang agad namang nilapatan ng lunas ang mga nasugatan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.

ABDUL DAUD KINES

BARANGAY PEACEKEEPING ACTION TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with