^

Probinsiya

9,370 pulis, sundalo ide-deploy sa SOCCSKSARGEN

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
9,370 pulis, sundalo ide-deploy sa SOCCSKSARGEN
Sa nasabing bilang ay nasa 6,212 namang PRO 12 personnels at kabuuan namang 312 sundalo ang ipakakalat sa SOCCSKSARGEN.

MANILA, Philippines — Umaabot sa 9,370 pulis at sundalo ang ide­deploy upang mangalaga sa seguridad kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo 13 ng taong ito sa South Co­taba­to, Cotabato City, Sultan Kudarat, Saranga­ni at General Santos City (SOCCSKSARGEN).

Ayon kay Police Lt. Co­lonel Aldrin Gonzales, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 12, ang deployment ng nasabing mga pulis at tropa ng mga sundalo para mapanatili ang katahimikan at katiwasayan sa halalan.

Sa nasabing bilang ay nasa 6,212 namang PRO 12 personnels at kabuuan namang 312 sundalo ang ipakakalat sa SOCCSKSARGEN.

Ang mga ito ay makakatuwang ng 2,846 mula sa AFP na siyang unang ipakakalat sa nasabing mga lugar nitong Biyer­nes.

Ang send-off ceremony sa nasabing bilang ay isinagawa kahapon sa himpilan ng PRP 12 sa Camp Tambler, General Santos City.

Bukod dito ay may mga pulis na ring sinanay para magsilbing Electoral Board kapag nabigo ang mga guro na gampanan ang kanilang tungkulin sa eleksyon.

SOCCSKSARGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with