Gapo mayor umalma sa pamumulitika
MANILA, Philippines — Umalma ang kampo ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino sa maruming pamumulitika ng kanyang mahigpit na katunggali upang maagaw lamang ang kanyang puwesto bilang ama ng lungsod.
Iginiit ni Paulino na walang katotohanan na siya at kanyang mga local officials ay inaresto ayon sa utos ng Sandiganbayan dahil bago pa umano maihain ang arrest warrant ng mga awtoridad ay nakapaglagak na sila ng piyansa na nagkakahalaga ng P30,000 bawat isa.
Wala rin umano katotohanan na pinatawan sila ng 90-day suspension ng Ombudsman o maging ng Sandiganbayan.
“This does not mean guilt, this is our justice system at work, with a fair trial we believe that this case will be dismissed and truth shall prevail,” ayon kay Paulino.
Nanawagan din si Paulino sa kanyang mahigpit na katunggali na huwag idamay at i-harass ang kanyang pamilya sa mga bintang na puro kasinungalingan.
“Patuloy po natin na isusulong ang Transparency and Good Governance sa ating pamumuno at ating ipaglalaban ang tama alang-alang sa mga Olongapeño.
- Latest