^

Probinsiya

P43-M cocaine, nalambat!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
P43-M cocaine, nalambat!
Nasa larawan ang mga bloke ng hinihinalang ‘cocaine’ na nagkakahalaga ng higit sa P43-milyon na nalambat ng tatlong mangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Bugao sa bayan ng Bagamanoc, Ca­tanduanes, kamakalawa ng hapon.
Kuha ni Jorge Hallare

MANILA, Philippines — Pitong bloke ng hinihinalang ‘cocaine’ na tinatayang higit sa P43-milyon ang halaga ang nalambat ng tatlong mangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Bugao sa bayan ng Bagamanoc, Catanduanes kamakalawa ng hapon.

Ipinadala na kahapon ni Catanduanes Provincial Director Senior Supt. Paul Abay sa regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Legazpi City, Albay ang droga para sa confirmatory test.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon habang nangingisda sa karagatan sina Marcel Benosa, 33-anyos, Danilo Villasana, 65-anyos at Tirso Bandola,47-anyos, pawang residente ng nasabing barangay nang nakita nila ang palutang-lutang na itim na lambat.

Nang kinuha, nakita ng mga mangingisda sa loob ng lambat ang pitong bloke na nababalot ng kulay brown na packing tape at may dollar sign.

Binuksan umano nila ang isa at nakita ang kulay puting pulbos kaya nagduda silang pareho ito ng unang mga nakuha ng mga mangingisda na bloke ng cocaine na palutang-lutang sa karagatan kaya iniuwi ng tatlo at itinurn-over kay Brgy. Kapitan Evan Evangelista na kasamang nagdala sa Bagamanoc Police na agad namang dinala sa Catanduanes Provincial Police Office.

Sa taya ng Catanduanes Police, posibleng higit sa market value na P43.175-M ang halaga ang nakuhang droga.

FLOATING COCAINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with