Ex-chief ng Tayabas Police, 2 pa sumuko
MANILA, Philippines — Sumuko na kahapon ng umaga ang hepe ng Tayabas City Police at dalawa nitong tauhan kaugnay ng umano’y “scripted” na kaso ng pagkamatay ng anak na lalaki ng mayor ng Sariaya, Quezon noong Marso 14.
Sa report ni Calabarzon Provincial Police Office Director Brig. General Edward Carranza, nasa kanilang kustodya na ang tatlong pulis na sina dating Tayabas City Police Chief P/Col. Mark Joseph Laygo; P/Staff Sgt. Robert Legazpi at P/Cpl. Leonald Sumalpong. Inaasahan namang susunod na susuko si Patrolman Perry Malabaguio.
Bandang alas-10 ng umaga nang magsisuko sina Laygo kay Carranza sa himpilan ng Calabarzon Police sa Camp Vicente Lim sa Laguna at isasailalim sa inquest proceedings kaugnay ng kasong kriminal na isinampa ng pamilya ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta kaugnay ng pagkakapatay ng mga tauhan ni Laygo sa anak ng alkalde na si Christian Gayeta at security escort nitong si Christopher Manalo matapos na mapagkamalang riding-in-tandem holduppers na planong manloob sa isang gasoline station sa Tayabas City. Pinalabas na nagkaroon ng shootout sa lugar noong Marso 14.
Agad na pinalagan ng pamilya Gayeta ang insidente sa pagsasabing mabuting anak si Christian.
Sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), lumabas na hindi namatay sa encounter ang batang Gayeta.
- Latest