Marawi City vice mayor inaresto sa rebelyon
MANILA, Philippines — Inaresto ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang bise alkalde ng Marawi City, Lanao del Sur sa isinagawang operasyon nitong Miyerkules sa city hall ng lungsod kahapon ng umaga.
Kinilala ni Captain Clint Antipala, spokesman ng 1st Infantry Division (ID) ng Phl Army ang nasakoteng suspect na si Marawi City Vice Mayor Arafat Salic.
Bandang alas-10 ng umaga nang arestuhin ng pinagsanib na mga operatiba ng Army’s 82nd Infantry Battalion at ng lokal na pulisya si Vice Mayor Salic.
“Salic is included in the Office of the Martial Law Administrator arrest order dated September 4, 2017 for rebellion case,” pahayag ni Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd Infantry Brigade.
Si Salic ay kabilang sa isinasangkot sa rebelyon kaugnay ng naganap na Marawi City siege noong Mayo 23, 2017 kung saan ang krisis ay tumagal ng limang buwan.
Kaugnay nito, pinapurihan naman ni Brig. Gen. Roberto Ancan, Commander ng 1st ID ang pagkakaaresto sa bise alkalde na kabilang sa mahigit 200 personalidad na nagsabwatan sa Marawi City siege.
- Latest