^

Probinsiya

Dalampasigan tinabunan ng lupa, inireklamo kay Digong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 100 residente ng Brgy Lucap, Alaminos City, Pangasinan ang pumalag matapos na ilegal umanong tabunan ng lupa ang kanilang dalampasigan at tayuan ng mga commercial establishments na pag-aari umano ng kanilang mayor at mga alipores nito.

Nagsampa ng reklamo laban kay Alaminos City Mayor Arthur Celeste ang may 138 na mangingisda sa naturang lungsod, sa mga tanggapan nina Pa­ngulong Rodrigo Duterte; DENR Sec. Roy Cimatu at DILG Usec. Martin Diño dahil sa labis umanong naapektuhan ng reklamasyon ang kanilang kabuhayan. Hindi na makadaong umano sa dalampasigan ang kanilang mga bangka para maghatid ng mga turista sa Hundred Islands.

Ang bagong restaurant umanong itinayo roon ay pag-aari ni Brian Celeste, anak ng kanilang mayor. Gayundin ang isa pang cafe na itinayo ay pag-aari naman umano ni Bani mayor Gwen Yamamoto. 

“Bakit inapakan ni Mayor Celeste ang aming mga  karapatan, pinalayas nila ang mga tindera at bangka sa dalampasigan, tinabunan, para lamang sa kapakanan ng pamilya Celeste at mga alipores nila?” pahayag ng mga residente na lumagda sa reklamo.

MAYOR ARTHUR CELESTE

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with