^

Probinsiya

Parak shabu supplier ni bishop timbog!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Parak shabu supplier ni bishop timbog!

CAVITE  , Philippines  —   Nadakma ng Bacoor City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang umano’y supplier ng droga ng naarestong bishop kamakailan kabilang ang isang pulis na AWOL sa isinagawang drug bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Alima ng nasabing lunsod. 

Kinilala ni Police Supt. Vic Cabatingan, hepe ng pulisya sa lungsod ang mga suspek na sina Paulo Balatbat alias Epong, 56 anyos, isang pulis na nag-AWOL sa serbisyo at kasama sa street level target ng pulisya, residente ng Brgy. Alima, Bacoor City at kasama nitong si Fernando Dacoma alias Nanding, nasa 39-anyos, karpintero, residente ng nasabi ring lugar at nasa drug watchlist din ng pulisya. 

Ayon kay Cabatingan,  alas-8:00 ng gabi nang ikasa nila ang buy-bust ope­ration kasama ang PDEA agents laban kay Balatbat at sa kasama nito sa Pay St., Brgy. Alima. Habang isinasagawa ang transak­syon, agad na inaresto ang dalawa.

Sa interogasyon, dito napag-alaman na si Balatbat ay isang pulis na dating nakatalaga sa Western Police District. Napag-alaman din na ang mga suspek ang nagsisilbing supplier ng shabu ng nadakip na si Bishop Richard Alcantara ng Sacred Order St. Michael (SOSM) kamakailan sa isang buy-bust operation.  

Narekober sa dalawang suspek ang 13 plastic sachet ng shabu na nasa mahigit  4-gramo at nagkakahalaga ng ?30,000. 

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with