^

Probinsiya

$4.5-bilyong ‘City Polaris’ itatayo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
$4.5-bilyong ‘City Polaris’ itatayo
Pinangunahan kahapon nina Sec. Raul Lambino, administrator at chief executive officer ng Cagayan Economic Zone Authority, Senior Deputy Administrator Raymundo Roquero at iba pang foreign investors at locators ang groundbreaking ng P234-B “City Polaris” project, isang magiging world class city sa Santa. Ana, Cagayan.
(kuha ni Victor Martin)

SANTA ANA, Cagayan  , Philippines  —  Isinagawa kahapon ang pinakaaabangang groundbreaking para sa itatayong pinakamodernong syudad na tinatayang nasa $4.5 bilyon ang halaga na itatayo sa bayang ito kasabay ng ika-24 anibersaryo ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).  Ayon kay Secretary Raul Lambino, CEZA administrator at chief exe­cutive officer, ang proyekto na tinawag na “City Polaris” ay itatayo sa may 2013-ektarya na lupain ng Barangay Mapurao.

Matatagpuan sa modernong syudad ang mga itata­yong six-star hotels, casinos, golf courses, cyberpark for digital currency, business park, civic center, tertiary hospital, condominium buildings, premium villas, mga online gaming operations na gawa sa mga makabagong teknolohiya. “The City Polaris would combine some of the best innovations of 21st-century technology,” pahayag ni Lambino. 

CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with