^

Probinsiya

Alaminos mayor inireklamo sa PAGC, DILG

Pilipino Star Ngayon

PANGASINAN  , Philippines  —  Nahaharap sa kasong katiwalian si Alaminos City Mayor Arthur Celeste dahil sa umano’y overpriced na mga waiting sheds at inimpluwensiyahan umano nito ang  kontrata para paboran ang isang construction company na pag-aari ng kanyang pamilya.

Sa reklamong inihain ng grupong Concerned Citizens of Alaminos City (CCAC) sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) at Department of Interior and Local Go­vernment (DILG), ang mga konkretong waiting shed na itinatayo sa iba’t ibang lugar sa Alaminos ay nagkakahalaga umano ng P543,489.49 bawat isa.

Ayon sa CCAC, ina­prubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Alaminos ang P9.3 mil­yong budget allocation ng nasabing proyekto mula sa 20% City Development Fund.

Ang JASA Builders Inc. na contractor ng proyekto ay sinasabing pag-aari ni Celeste at ng mga kapatid nitong sina Jesus, Sam, at Arnold.

Sa sulat kay PAGC Commissioner Greco Belgica, hiniling ng CCAC na imbestigahan ang umano’y maanomalyang proyekto.

Anila, malinaw na nagpapakita ito ng “conflict of interest” laban kay Celeste at isang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa ilalim ng nasabing batas, ipinagbabawal ang pagbibigay ng kontrata sa mga negosyong pagmamay-ari ng sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno.

Ikinumpara pa ng CCAC ang mga waiting sheds sa housing projects para sa mga nagbalik-loob na rebelde sa Mindanao. Ang bawat isang bahay para sa mga rebelde ay nagkakahalaga lamang ng P320,000 kasama na ang koneksyon ng tubig at solar lights habang ang waiting shed ni Celeste ay mahigit kalahating mil­yong piso.

Si Celeste ay tumatakbo sa pagka-gobernador ng Pangasinan na kalaban ni incumbent Gov. Amado “Pogi” Espino.

ARTHUR CELESTE

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with