^

Probinsiya

Bahay ng mag-amang mayor at vice mayor ni-raid

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng mag-amang mayor at vice mayor ni-raid
Ayon kay PNP Spokes­man P/Sr. Supt. Bernard Banac, dakong alas-6:30 ng umaga nang isagawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection group (CIDG)-Region V, Special Action Force (SAF), Masbate at Batuan Police, at 903rd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army ang raid sa bahay ng mag-amang sina Batuan, Masbate Mayor Charmax Jan Yuson alyas “Mac Mac” at ama nitong si Vice Mayor Charlie Yuson III alyas “Bodgie/Big Boss” sa Brgy. Poblacion at Brgy. Canvañez, Batuan.

MANILA, Philippines — Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang bahay ng mag-amang alkalde at bise alkalde ng Masbate dahil sa intelligence report ng Phi­lippine National Police (PNP) na pagmamantine ng Private Armed Groups (PAGs) sanhi ng pagkakasamsam ng mga malalakas na armas at granada sa bayan ng Batuan, sa nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP Spokes­man P/Sr. Supt. Bernard Banac, dakong alas-6:30 ng umaga nang isagawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection group (CIDG)-Region V, Special Action Force (SAF), Masbate at Batuan Police, at 903rd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army ang raid sa bahay ng mag-amang sina Batuan, Masbate Mayor Charmax Jan Yuson alyas “Mac Mac” at ama nitong si Vice Mayor Charlie Yuson III alyas “Bodgie/Big Boss” sa Brgy. Poblacion at  Brgy. Canvañez, Batuan.

Tinutugis ngayon ang mag-ama matapos na hindi sila abutan ng mga awtoridad sa kanilang mga bahay.

Naaresto naman ang isa nilang bantay na armado ng shotgun na si Jeason Cabantac habang nakatakas ang barangay kagawad na si Severo Basas alyas Beroy.

Ayon naman kay Supt. Marygrace Madayag, spokesman ng PNP-CIDG, dakong alas-6:30 ng umaga, sa bisa ng search warrant na inilabas ni National Capital Region Judge Virgilio Macaraeg ng Branch 37 dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Firearms and Ammunition Law ay sinalakay ng  mga pulis at mga sundalo ang bahay ni Mayor  Charmax at sa beach house naman ni Vice Mayor  Charlie Yuson. 

 Nakumpiska sa bahay ni Mayor Yuson ang isang Bushmaster M16 rifle, isang fragmentation grenade at isang magazine habang nakuha sa beach resort ni Vice Mayor Yuson III ang isang Baby M16 rifle,  dalawang 12-gauge shotgun, isang cal .45 colt pistol at isang hand grenade.

 Nahaharap sa kasong “illegal possession of firearms and ammunition” at “illegal possession of explosives” ang mag-amang Yuson.

CHARLIE YUSON III

CHARMAX JAN YUSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with