^

Probinsiya

2 ‘bomber’ sa Cotabato, kinasuhan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong kriminal ang dalawang suspek na natukoy na nasa likod ng pagpapasabog sa South Seas Mall sa lungsod ng Cotabato noong bisperas ng pagsalubong sa Bagong Taon na kumitil ng buhay ng 2 katao habang 34 pa ang malubhang nasugatan.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 12 Director P/Chief Eliseo Tam Rasco ang mga kinasuhang suspek na sina Salipudin Pasandalan na naaresto ng mga otoridad, residente ng Upper Capiton Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at alyas “Saed Nur Kasim” ng Brgy. Dahican sa bayan din ng Datu Odin Sinsuat na kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ayon kay Rasco ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong 2 counts of murder at 34 counts ng frustrated murder sa tanggapan ni Office of Prosecutor Anwar Masacal ng Cotabato City Prosecution Office.

Una nang natukoy ang mga suspek sa CCTV footages sa loob at labas ng mall na siyang nagtanim ng sumabog na improvised explosive device (IED) bandang ala-1:49 ng gabi sa harapan ng Southseas Mall sa lungsod.

Samantalang ang isa pang bomba na hindi pa sumasabog ay narekober naman sa baggage area ng nasabing mall sa ikalawang palapag.

vuukle comment

SOUTH SEAS MALL BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with