CAFGU nilikida ng NPA-Sparu
MANILA, Philippines — Isa na namang miyembro ng CAFGU Active Auxillary (CAA) ang nalagas matapos likidahin ng Sparu hit squad ng New People’s Army (NPA) sa Negros Island sa Brgy. Linatuyan, Guihulngan City, iniulat kahapon.
Kinilala ni Major Abel Potutan, acting chief ng AFP Central Command ang biktima na si CAA Joseph Gabia, residente ng nasabing lugar na nasawi agad sa lugar dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan.
Sa tala, sinabi ng opisyal na si Gabia ay ika-19 pinaslang ng SPARU unit sa lalawigan ng Negros simula noong nakalipas na taon hanggang sa unang bahagi ng Enero ng 2019. Bandang alas-5:30 ng hapon kamakalawa habang pabalik sa patrol base sa Brgy. Linantuyan ang biktima nang siya ay tambangan at pagbabarilin ng mga rebelde.
Tinukoy ng opisyal na ang NPA’s Special Partisan Unit (Sparu), ang hit squad ng komunistang grupo ang nasa likod ng pamamaslang sa biktima.
- Latest