^

Probinsiya

Brodkaster na kandidato utas sa tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Brodkaster na kandidato utas sa  tandem
Kinilala ang nasawing biktima na si Gabriel Alburo, 50-anyos, announcer ng DYCL Light Radio, residente at kumakandidatong konsehal sa Guihulngan City, Negros Oriental.
www.facebook.com/headzupdumaguete

MANILA, Philippines — Patay ang isang radio broadcaster na kandidatong konsehal makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa national highway ng La Libertad, Neg­ros Oriental nitong Biyernes ng madaling araw.

 Kinilala ang nasawing biktima na si Gabriel Alburo, 50-anyos, announcer ng DYCL Light Radio, residente at kumakandidatong konsehal sa Guihulngan City, Negros Oriental.

 Sa ulat ng Police Regional  Office 7, bandang alas-3 ng madaling araw habang lulan ng motorsiklo si Alburo at binabagtas ang kahabaan ng national highway sa bahagi ng Brgy. North Poblacion ng nasabing bayan nang buntutan ng mga armadong riding-in-tandem at pagbabarilin.

 Sunud-sunod na pu­tok ang umalingawngaw na sumapol sa katawan ng nasabing announcer na nasawi noon din sa insidente.

Ang mga salarin ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon na sinamantala ang kadiliman ng paligid.

Galing umano sa sabu­ngan ang biktima na may na­ka­alitan sa pustahan bago umalis pauwi sa kanilang taha­nan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen at kabilang sa sinisilip na anggulo ay pulitika, trabaho nito bilang mediaman at personal na alitan.

GABRIEL ALBURO

RADIO BROADCASTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with