^

Probinsiya

Bahay ni Rep. Garbin nilooban

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bahay ni Rep. Garbin nilooban
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:35 ng umaga nang pasukin ng mga hindi nakikilalang suspek ang bahay ni Garbin sa Winsor St. Ridge View Subdivision, Brgy Buragwis Legaspi City.

MANILA, Philippines — Pinasok at pinagnakawan ang bahay ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin  habang abala ang kongresista sa pakikidalamhati sa pagkakapatay sa kasamahan sa Kamara na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe kahapon ng umaga sa Legaspi City, Albay.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:35 ng umaga nang pasukin ng mga hindi nakikilalang suspek ang bahay ni Garbin sa Winsor St. Ridge View Subdivision, Brgy Buragwis Legaspi City.

Nadiskubre na dumaan sa maliit na bintana sa banyo na matatagpuan sa ikalawang palapag ng bahay ang suspek.

Nang makapasok na, kinuha ang bag ni Garbin na naglalaman ng cash at cheque na nagkakahalaga ng P500,000, mga relo na Rolex at dalawang piraso ng Patel Philippe.

Sinasabing wala sa bahay si Garbin nang maganap ang panloloob dahil sinalubong nila ni House Majority leader Rolando Andaya Jr. si Speaker Gloria Arroyo sa airport na magtutungo sa burol ni Batocabe.

vuukle comment

ALFREDO GARBIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with