^

Probinsiya

‘Senior’ lunod sa fishpond

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 78-anyos na senior citizen ang nasawi nang malunod sa fishpond na matatagpuan sa likod ng isang restaurant matapos na dumalo sa isang kasalan sa Lingayen, Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alberto Cruz, biyudo, at residente ng Castillo St., Brgy. Maniboc, Lingayen.

 Batay sa ulat ng Lingayen Police Station, nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng ilang residente na palutang-lutang sa fishpond na matatagpuan sa likurang bahagi ng El Harden Restaurant, sa Brgy. Libsong West, Lingayen.

Lumilitaw na dakong alas-11:00 ng gabi ng Disyembre 20 pa nang magpaalam sa kanyang mga kaanak ang biktima na aalis upang dumalo sa isang kasalan sa Brgy. Libsong West.

Gayunman, ito na umano ang huling pagkakataong nakita nila itong buhay dahil hindi na ito nakauwi pa sa kanilang tahanan.

Ayon sa pamilya ng biktima, mahilig talagang maggala at maglakad-lakad ang matanda, bilang bahagi ng ehersisyo nito, kaya’t hinala nila na posibleng naglalakad-lakad ito sa lugar at nadulas at aksidenteng nahulog sa fishpond, na nagresulta sa kanyang pagkalunod.

vuukle comment

DROWNED IN FISHPOND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with