^

Probinsiya

Magsasaka pinatay, pinagnakawan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

AGBILAO, Quezon, Philippines — Pinatay muna bago pinagnakawan ang isang magsasaka ng apat na hindi nakikilalang mga lalaki na nanloob sa kanyang bahay sa Sitio Kuramot, Brgy. Palsabangon ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan ay kinilalang si Simplicio Salvanera, 67, may live-in partner ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:00 ng hapon ay nakaupo sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang pasukin ng mga suspek na pawang armado ng maiiksing baril at pagkakita rito ay walang sabi-sabing pinagbabaril.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay kinuha ng mga suspek ang pag-aari ng biktima na dalawang cellphone at cash na P5,000.00 saka mabilis na nagsitakas.

FARMER SHOT DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with