^

Probinsiya

Lambanog scare sa Laguna, Batangas at Quezon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lambanog scare sa Laguna, Batangas at Quezon
Sa report sa tanggapan ni Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Edward Carranza, nagkaroon ng “lambanog scare” matapos na walo katao ang nasawi sa pag-inom ng lambanog na may tatak na “Bossing Tumador” sa magkakahiwalay na insidente sa Sta Rosa City at Calamba City kamakailan.

MANILA, Philippines — Matinding takot ang bumabalot ngayon sa mga mamamayan partikular na sa mga residente ng Laguna, Batangas at Quezon sa Southern Tagalog Region dahil sa nakamamatay na lambanog.

 Sa report sa tanggapan ni Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Edward Carranza, nagkaroon ng “lambanog scare” matapos na walo katao ang nasawi sa pag-inom ng lambanog na may tatak na “Bossing Tumador” sa magkakahiwalay na insidente sa Sta Rosa City at Calamba City kamakailan.

Sa tala, kabilang sa mga nasawi sa lambanog sa Brgy. Sucol, Calamba City ay sina Jonathan Barceta, Jesus Olanday, Cornelio Opulencia at Nestor Mancay. Nasawi rin sa pag-inom ng “Bossing Tumador” sa Sta. Rosa City sina Hermino Caramay, Roy Basbas, Severino Callos at Gonzalo La Torre Jr. makaraang makaranas ng pananakit ng ulo, tiyan, pagsusuka at panlalabo ng paningin hanggang sa masawi.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal muna ang pagtitinda ng lambanog sa Brgy. Sucol, Calamba City matapos matigok ang anim na katao na lumaklak ng lambanog.

Ang lambanog ay isang uri ng alak mula sa tubig sa  niyog na kilalang produkto sa Laguna, Batangas at Quezon lalo na sa mga mahihilig magbarik o mag-inom ng alak.

Sa kasalukuyan, sinusuri pa nina Dr. Dennis Labro, Calamba City Health officer ang sample ng Bossing Tumador lambanog na sinasabing nakalason sa mga biktima.

Bunsod nito, apektado na ang negosyo ng lambanog bunga ng matinding takot ng mga residente dito nang may mamatay sa paginom ng nasabing homemade na alak.

Dahil sa pagba-ban ng pagtitinda ng lambanog sa Brgy. Sucol, Calamba City,  kinumpiska muna ng mga awtoridad ang mga tinda at mga stocks dito sa mga lokal na dealers habang hinihintay pa ang resulta ng laboratory test sa lambanog  samples.

LAMBANOG SCARE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with