^

Probinsiya

Kotse, kinarnap sa harap ng simbahan

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Mangiyak-ngiyak ang isang lolo matapos na matangay ang kanyang sasakyan na naka-park sa harap ng simbahan sa kasagsagan ng kanyang pagdarasal kamakalawa sa Brgy. Molino 3, Bacoor City. Ayon sa biktimang si Aurelio Calderon, 64, ng Blk 13 Lot 1E, Calamansi St., Phase 2, Camella West Spring Ville, Brgy. Molino 3, Bacoor City. 

Sa ulat ni PO3 Edison Fetalcurin, alas-11:00 ng umaga nang i-park niya sa tapat ng Mormons Church ang kanyang kulay brown na kotseng Toyota Corolla, 1998 model (WBZ-111) upang magsimba. 

Alas-3:30 na ng hapon nang madiskubre nito na wala na ang sasakyan at ayon sa ilang saksi, isang lalaki na nakilalang si Ruvic Ortega, nasa hustong gulang, residente ng Dorian St. Camella West Phase 1, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite ang tumangay sa kotse ng matanda.   

vuukle comment

CARNAPPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with