^

Probinsiya

Masskara Festival binulabog: Misis utas, 2-anyos sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Masskara Festival binulabog: Misis utas, 2-anyos sugatan
Kinilala ang nasa­wing ginang na si Irene Sicano ng Barangay 30, Bacolod City na napuruhan ng bala habang sugatan ang maliit na anak na hindi tinukoy ang pangalan.

MANILA, Philippines — Binulabog ng pamamaril ang pagdiriwang ng taunang Masskara Festival sa Bacolod City matapos utasin ng ‘di kilalang suspek ang isang 30-anyos na misis habang sugatan ang 2-taong gulang niyang anak kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing ginang na si Irene Sicano ng Barangay 30, Bacolod City na napuruhan ng bala habang sugatan ang maliit na anak na hindi tinukoy ang pangalan.

Nabatid na abala ang lahat ng mga manonood sa Street and Arena Dance Competition-Barangay Category sa public plaza, nitong Linggo ng gabi nang maganap ang pamamaril.

Sa ulat kay Sr. Insp. Wilfredo Benoman, hepe ng Bacolod City Police Station 6, kasama ng biktima ang kanyang dalawang maliliit na anak at pauwi na sana mula sa panonood ng festival sakay ng electric tricycle nang lapitan ng ‘di kila­lang suspek. Bumaba lang ang biktima malapit sa terminal ng bus upang bumili ng ulam nang big­lang dumating ang isang sasakyan at bumaba ang mga suspek. Agad na binaril ang biktima ng apat na beses na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay. Ginagamot naman sa isang ospital sa Bacolod ang anak nito matapos madaplisan ng bala sa ulo.

CRIME

MASSKARA FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with