^

Probinsiya

Sulu encounter: 6 Abu, 3 Marines utas!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Sulu encounter: 6 Abu, 3 Marines utas!
Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, dakong alas-5:20 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Joint Task Force (JTF) Sulu sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo ang hindi pa madeterminang bilang ng mga bandido.

MANILA, Philippines — Tatlong sundalo ng Philippine Marines at anim na  mi­yembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang habang marami pa ang sugatan kabilang ang tatlong sundalo sa bakbakan sa Brgy. Timpook, Patikul, Sulu nitong Biyernes ng umaga.

 Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, dakong alas-5:20 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Joint Task Force (JTF) Sulu sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo ang hindi pa madeterminang bilang ng mga bandido.

Ayon kay Besana, ang operasyon ng combat team ng 62nd at 61st Infantry Battalion (IB) at 64th Marine Companies ay upang malipol ang nalalabi pang miyembro ng ekstremistang grupo at masagip ang nalalabi pang 10 hostages.

Sinabi ng opisyal na habang ginagalugad ng mga sundalo ang kagubatan ay nakasagupa nila ang hindi pa madeterminang dami ng mga bandido sa ilalim nina Abu Sayyaf sub-leader Alnijar Ekit at Aldi Alun.

Base sa intelligence reports, sinabi ni Besana na anim ang napatay na bandido na binitbit ng kanilang mga kasamahan habang marami pa ang sugatang nagsitakas.

Aniya, isa sa mga bangkay ng mga kalaban ay nakita sa encounter site at narekober din ang isang M14 rifle at pitong M14 magazines habang patuloy pa ang clearing ope­rations sa lugar. Tatlong Marines ang nalagas na pansamantalang hindi muna tinukoy ang kanilang pagkakakilanlan habang nagpapatuloy ang pursuit operations laban sa mga terorista.

Kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa Kuta He­ne­ral Teodulfo Bautista (KHTB) Hospital ang mga nasuga­tang sundalo.

ABU SAYYAF GROUP

PHILIPPINE MARINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with