^

Probinsiya

Mag-asawang Koreano niratrat, suspek napatay sa shootout

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang Koreano niratrat,  suspek napatay sa shootout
Kinilala ang mga biktima na sina Kim Yun Shik at mister nitong si Jun Sheok, kapwa nasa hustong gulang, may-ari ng isang hotel sa Silang, Cavite na ngayo’y nagpapagaling sa isang hospital.

CAVITE  , Philippines  —  Masuwer­teng nakaligtas ba­ga­ma’t nasugatan ang mag-asa­wang negosyanteng Koreano matapos silang pag­babarilin ng armadong kalalakihan na humarang sa kanila pero napatay sa shootout ang isa sa mga suspek kamakalawa sa Silang, ng lalawigan. 

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek matapos itong personal na kilalanin ng misis nito na si Johari Morales, 28-an­yos, construction worker, tubong Maguindanao at residente ng Blk. 11 Extencion, Brgy. 649 Baseco Compound, Tondo, Manila habang nakatakas ang hindi pa mabilang na kasamahan nito. 

Kinilala ang mga biktima na sina Kim Yun Shik at mister nitong si  Jun Sheok,  kapwa nasa hustong gulang, may-ari ng isang hotel sa Silang, Cavite na ngayo’y nagpapagaling sa isang hospital. 

Sa ulat, lulan ng kani­lang sasakyan ang mag-asawang Koreano at papauwi na nang mapansin ang isang puno ng sa­ging na nakahambalang sa kalsada na kanilang daraanan habang bumabagtas sa Brgy. Lalaan 2 ng bayang ito. Dahil dito,  nag-menor sila sa andar pero lingid sa kanilang kaalaman, modus na pala ng mga suspek ang pagharang ng puno sa kalsada upang sila ay huminto. Dito na lumutang ang mga suspek na nakatago pala sa madilim na gilid ng kalsada at pinagbabaril ang mga biktima. Pero nasorpresa ang mga suspek nang gumanti ng putok ang lala­king Koreano na may dala palang baril sanhi upang sila ay magpulasan. 

Nakorner ng mga pulis ang mga tumatakas na suspek at sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa umano sanhi ng shootout at ikinabulagta ng isa sa kanila.  

CRIME

SHOOTINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with